Nacionalista Party sumuporta na rin kay Velasco

Nagpahayag ng kahandaang makipagtulungan sa liderato ni Speaker Lord Allan Velasco ang Nacionalista Party (NP), partidong kinaaaniban ni dating Speaker Alan Peter Cayetano.

Kinumpirma ito ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, miyembro ng partido.

“The whole Nacionalista Party dito sa Congress ay nagbigay ng pahayag through a manifesto of support para kay Speaker Lord Allan Velasco and lahat ng miyembro ng Nacionalista Party ay pumirma dito. Nagpapatunay at nagpapahayag ito ng kanilang unequivocal support sa leadership ng ating Mababang Kapulungan through Speaker Lord Allan Velasco,” ayon kay Barbers.

Sa hiwalay na pahayag ni Las Piñas City Rep. Camille Villar, sinabi nitong ibibigay ng partido ang buong suporta sa bagong liderato upang masiguro ang pagpapatibay ng mga mahahalagang panukalang itinutulak ng administrasyong Duterte.

“We will work closely with their team to ensure the success of the President’s legislative and economic agenda,” ayon sa statement ni Villar.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.