Naghain na ng piyansa sa QC Court ang ilang akusado sa kasong ‘conspiracy to commit sedition’

Naglagak na ng piyansa sa Quezon City Metropolitan Trial Court Branch 138 ang tatlo sa 10 akusado sa kasong kinasasangkutan ni dating Senador Antonio Trillanes III.

Kabilang sa tatlong nagpiyansa sa korte ay sina Fr. Flaviano Villanueva at Fr. Albert Alejo.

Ginawa ng mga akusado ang paglagak ng bail kasunod ng paglabas ng warrant of arrest laban sa kanila kaugnay sa kasong ‘conspiracy to commit sedition’ na isinampa ng Department of Justice (DOJ).

Si dating Senador Trillanes, at siyam na iba pa, ay kinasuhan dahil sa mga malisyosong alegasyon na nagdadawit kay Pangulong Rodrigo Duterte at kanyang pamilya sa kalakaran ng iligal na droga.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.