Nagkakahalagang ₱1.3 Milyong illegal na droga, nakumpiska sa Caloocan

Kabuuang ₱1,350,000 ang halaga ng illegal drugs o shabu ang nakumpiska ng mga tauhan ng Caloocan City police sa ginawang buy-bust operation sa Phase 7-C, Kaagapay Road, Brgy. 176, Bagong Silang, Caloocan City.

Kasabay nito ang pagkaaresto sa tatlong drug personality at dalawa pang menor de edad na ginagamit sa kanilang illegal drugs operation.

Kinilala ang mga suspect na sina Noe Esplanada, Jericho at Noe Buracan, na ngayon ay nakapiit na sa Station Drug Enforcement Unit ng Caloocan Police, at inihahanda na ang kaso laban sa kanila.

Habang ang dalawang kabataan na may edad 16 at 17 taong gulang, ay ituturnover ng pulisya sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Kilala ang mga suspek na tulak ng shabu at matagal nang minamanmanan ng pulisya.

Nabawi sa kanila ang 85 gramo ng shabu na may street value na P1.3 million.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.