Naitalang pinakamababang 0.8% inflation rate mula 2016, ikinalugod ng Palasyo

Ikinatuwa ng Palasyo ang muli na namang pagbaba ng inflation rate na naitala nitong nakalipas na buwan ng Oktubre.

Base sa datos na nakuha ng Office of the President sa Philippine Statistics Authority (PSA), lalo pang bumaba ang inflation rate mula 6.7 noong October 2018 sa 0.8 percent ngayong October 2019.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Spokesperson Salvador Panelo, ito na ang pinakamababang inflation na naitala magmula noong mga huling araw ng Aquino administration.

Sa harap nito’y ipinahayag ni Panelo na hindi magre-relax ang pamahalaan at ipagpapatuloy aniya nitong tututukan ang presyo ng mga pangunahing bilihin lalo na’t nasa panahon na tayo ng ber-months at nalalapit na ang holiday season.

Sa huli’y umaasa si Panelo na sana’y nakita ng mga kritiko ang naturang magandang balita para sa lahat ng mga Pilipino.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.