Nakakagulat sa nangyari kay Deborah Sun na kapatid ni Philip Salvador! Panoorin!

Arestado ang isang dating aktres sa Lungsod ng Quezon matapos mahulihan ng iligal na droga, Pati ang anak niya, huli rin sa operasyon kontra-droga. Depensa ni Deborah, nadamay lang siya.

watch the video here:

Kininilala ang suspek bilang si Jeane Louise Porcuna Salvador, 60-anyos, na mas kilala sa pangalang Deborah Sun.

Kasama niyang nadakip ang anak na si Angela Salvador at dalawa pang kalalakihan.

Nakita sa kanilang pangangalaga ang pinaghihinalaang shabung nagkakahalaga ng P6,800, drug paraphernalia at timbangan.

Nahuli siya sa tinutuluyang condominium unit sa Baranggay E. Rodriguez sa Cubao, na pinagagamit sa kanya nang libre ng kapwa aktres na si Ara Mina sa ngalan ng pagmamalasakit.

Sa ulat ng News5, iginiit ni Salvador na ang anak na babae’t kanyang nobyo ang tunay na nasa likod nito at nadawit lang daw siya.

Itinanggi ng mga suspek ang paggamit ng iligal na droga ngunit pare-parehong nagpositibo rito.

Haharap sila sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nakulong na rin ang panganay niyang babae sa San Juan City Jail kaugnay ng droga, ngunit nanindigan na “na-set up” lang ang nabanggit.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.