Nananawagan ang ilang kongresista sa PET na desisyunan ang VP electoral protest

Hinimok ng ilang mga kaalyado ni Vice President Leni Robredo sa Kamara ang Presidential Electoral Tribunal (PET) na tuluyan nang tapusin ang deliberasyon sa 2016 vice presidential electoral protest na inihain ni dating Senator Bongbong Marcos.

Sa isang pahayag, sinabi ni Magdalo Partylist Representative Manuel Cabochan, na dapat nang ibigay ng Korte Suprema na siyang tumatayong PET ang resulta ng recount ng mga boto.

Ito aniya ay para maalis na rin ang mga lumalabas na espekulasyon tungkol sa recount ng boto upang matigil na ang pagbahid sa integridad ng nagdaang 2016 election.

Kumakalat kasi ang mga balitang nanalo na si Marcos sa electoral protest laban kay Robredo, na siya namang mariing tinututulan ng mga kaalyado ng bise presidente.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.