Nasa likod na nag-viral hashtag #PaalamDuterte sa Twitter, tukoy na ng Palasyo

Walang duda ang Palasyo ng Malacañang na mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasa likod ng viral tweet na hashtag “Paalam Duterte”.

Sabi ni Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque, alam naman nila kung sino- sino ang mga nagpakana ng naturang ideya.

Wala nang iba pa ani Roque na promotor ng nasabing hakbang kundi ang mga aniya’y tinaguriang gahaman sa kapangyarihan.

Sinabi ni Roque na hindi na sila nasusurpresa pa kung may ganitong mga pakulo ang mga kritiko ng Administrasyon

Lumutang at sinasabing nag- viral ang nabanggit na hashtag, kasunod ng pagtugon ng ilang netizen sa pahayag ng Chief Executive na kanyang inuumang ang pagbibitiw bilang Pangulo dahil sawang sawa na siya sa
korapsiyon.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.