Nasa P240-B, inilaang pondo sa COVID response ng bansa sa 2022

Aabot sa P240.74 billion ang pondong inilaan ng pamahalaan, para sa pagpapatuloy na COVID-19 response ng bansa sa susunod na taon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, base sa 2022 proposed national budget, ang Department of Health (DOH) ay mayroong P93 billion pesos para sa COVID reponse.

Pasok na dito ang pondo para sa emegency hiring ng mga healthcare worker, pagpapaigting ng health facilities, procurement ng mga medical supply, at iba pa.

Aniya, sa kabuuang COVID-19 budget para sa 2022, pasok na rin dito ang iba pang programa ng pamahalaan, tulad ng TUPAD program ng Department of Labor and Employment (DOLE); repatriation efforts ng Overseas Workers and Welfare Administration (OWWA); Research and Development Support para sa National COVID Initiatives; at pagbuo sa Virology Science and Technology Institute of the Philippines ng Department of Science and Technology (DOST).

Maging ang mga programa ng Department of Education (DepEd), para sa pagpapalakas ng hybrid o alternative learning system ng mga mag-aaral sa gitna ng pandemiya.

Ayon kay Secretary Roque, preliminary pa lamang ang budget allocation na ito, at nasa Kogreso pa rin ang pinal na desisyon kung babaguhin pa ang mga ito o hindi na.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.