National ID registration sinimulan na sa Maynila

Hinikayat ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang publiko partikular na ang mga Manilenyo na magparehistro na para sa kanilang National ID upang mapadali at mapabilis ang pagtanggap nilang benepisyo o anumang programa na nakalatag para sa kanila mula sa gobyerno.

Ang panghihikayat ay ginawa ni Domagoso matapos nilang pangunahan ni Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan ang pagproseso sa kanila ng Philippine Identification System (PhilSys) na ginanap sa Palma Hall ng Universidad de Manila ngayong umaga.

Nabatid na simula ngayong araw (Mayo 24) hanggang Hunyo 4, alas-8 umaga hanggang alas-5 ng hapon ay magsasagawa ng registration ang Philippine Statistics Authority (PSA) sa UDM para sa mga regular employees ng lokal na pamahalaang lungsod.

Ayon kay Yorme, malaking tulong ang pagkakaroon ng national ID dahil mapapabilis nito na maipamahagi ang anumang programa na inilalatag ng pamahalaan para sa publiko tulad na lamang ng pamamahagi ng ayuda at iba pang benepisyo sa oras ng pandemya o kalamidad.

Ngayong araw ay target na marehistro ng PSA ang nasa 854 na empleyado ng lokal na pamahalaan ng Maynila na kinabibilangan ng Office of the mayor, Office of the Vice Mayor at ng Department of Engineering and Public Works.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.