National ID system, ayaw ng mga NPA – Pangulong Duterte

Inihayag ng National Economic Development Authority (NEDA) na malaking tulong ang pagpapatupad ng National ID sa bansa lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Ayon kay NEDA Secretary Karl Kendrick Chua, nakatutulong ang national ID sa COVID-19 inoculation program ng pamahalaan.

Pahayag ni Chua, kapag nagsimula na ang bakunahan sa general population, mapadadali na lamang ang proseso sa vaccination.

Ani Chua,”Pag simula na po ng category or priority C, ito po ‘yong general population na siguro magsisimula by the end of the year, ay puwede pong tulungan ng ating National ID.”

Bukod dito, higit ding nakatutulong ang national ID system na mapabibilis ang pamamahagi ng ayuda sa mga residenteng apektado ng COVID-19 pandemic.

“Iyong pagbigay ng ayuda or social protection dahil mayroon na pong bank account ang bawat mahihirap na pamilya, sila ay puwedeng bigyan na diretso ng ayuda or social amelioration. Hindi na po ‘yong pipila pa sila sa distribution center. So malaking tulong po ito for the future,” sabi pa ni Chua.

Kaugnay nito, binati naman ni Pangulong Rodrigo Duterte si Chua dahil matagal aniya nitong inaasam na magkaroon ng national ID ang mga Pilipino.

Giit ni Pangulong Duterte, bahagi ang naturang programa kontra insurhensiya o laban sa mga New People’s Army (NPA).

“Actually it was during the time of President Ramos, the military establishment. Of course it was always part of the insurgency campaign, mga kalaban NPA. They were always suspecting it but they let them made a strong lobby, made a strong noise so that nothing came out of it.”

Sambit pa ng punong ehekutibo, ayaw ng mga armadong grupo ang National ID dahil sa pamamagitan nito, agad na matutukoy ang kanilang pagkakakilanlan.

Samantala, iniulat ng NEDA na mayroon nang 33.4 million individuals na nakapagrehistro para sa Step 1 habang 6.4 million naman sa step 2.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.