National ID Sytem magpapabilis sa pagbibigay ng ayuda sa ‘vulnerable sectors’

Prayoridad ng ating pamahalaan ang mga sistema na magpapabilis sa paghahatid ng ayuda – pagkain man o suportang pinansyal – sa sektor ng mahihirap, at isa na rito ang Philippine Identification System (PhilSys) o national ID system.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles sa ginanap na Tapatan sa Aristocrat virtual forum noong Hunyo 22, napakahalaga ng “accurate national database” para ang ayuda sa ating mga mamamayan ay maging mabilis at maayos.

Ayon sa kalihim, “The challenges the government faced in the distribution of the social amelioration program (SAP) cash subsidies highlight the need for a national ID system.”

Si Nograles, na siya ring chair ng Zero Hunger Task Force ng pamahalaan, ay nagsabing, “Increasing access to and expediting the delivery of social services to the most vulnerable groups — the poor, women, persons with disabilities, older persons, children, indigenous peoples, among others — is one of the biggest challenges in implementing social protection programs under the new normal.”

Dagdag pa niya, “These social protection programs include food aid programs and subsidies for families that need them.”

Ang ilan sa “priority policies and strategies” ng Zero Hunger Task Force ay ang pabilisin ang implementasyon ng national ID system para magkaroon ng rehistro ang “vulnerable persons and groups” gamit ang data mula sa PhilSys, Listahanan o National Household Targeting System for Poverty Reduction, Community-Based Monitoring System, Registry System for Basic Sectors in Agriculture, at ang pagpapatala para sa social amelioration program (SAP) na magpapabilis sa paghahatid ng panlipunang serbisyo at ayuda.

“Having that information on hand will allow us to immediately identify beneficiaries for our various food security programs, whether it be subsidies for agricultural workers to improve productivity or food aid for poor families,” ayon kay Nograles, isang masugid na tagapagsulong ng national ID system noong kanyang ikatlong termino bilang Davao representative.

Aniya, noong isang linggo ay ibinalita ng Philippine Statistics Authority na handa na ang registration kits, nakabili na ng automated biometric system, at naghahanap na ng service provider para sa authentication system na gagamitin para beripikahin ang mga taong nakarehistro sa PhilSys.

Ang kontrata naman para sa systems integrator ay ia-award na sa Hulyo.

Ayon pa kay Nograles, ang PSA, na siyang primary implementing agency para magpatupad ng mga probisyon ng Philippine Identification System Act of 2018, ay natukoy na ang data centers para sa PhilSys, na nasa ilalim ng Department of Information and Communications Technology.

“Per the latest PSA update, all data centers will be on board starting next month,” ayon pa kay Nograles.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.