NBI, bumuo ng Task Force PhilHealth para tutukan ang nabunyag na anomalya sa ahensya

Alinsunod sa direktiba ni Justice Secretary Menardo Guevarra ay bubuo ang National Bureau of Invesitgation (NBI) ng Task Force PhilHealth, na siyang tututok sa mga katiwalian dito.

Kinumpirma ni NBI-Officer in Charge Director Eric Distor, na naglabas na siya ng Memorandum Order para sa pagbuo ng “Task Force Philhealth,”

Ayon sa memorandum ni Distor, kabilang sa tututukan ng task force ang pagsasagawa ng audit sa finances ng Philhealth, ganundin sa lifestyle check sa mga opisyal at empleyado ng Philhealth.

Nauna dito, noong nakaraang taon, ay nadawit na rin ang Philhealth sa usapin ng ghost-dialysis fees, sa pagitan ng Well-Med Dialysis and Laboratory Center.

Si NBI-NCR Regional Director Cesar Bacani, ang mamumuno sa task force, sa ilalim ng pamamahala nina Deputy Director for Regional Operations Service Antonio Pagatpat, at Deputy Director for Investigation Service, Atty. Vicente De Guzman.

Inatasan din ang task force, na makipag-ugnayan sa Department of Justice (DOJ) kaugnay sa progress report o itinatakbo ng isinasagawang imbestigasyon.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.