NEDA Chief Karl Chua, National ID pre-registration posible sa mid-October

Inihayag ni National Economic Development Authority (NEDA) Chief Karl Chua na aasahan ang pag-arangkada ng pre-registration sa national ID system sa mid-October ngayong taon.

“Our backup plan right now is by the middle of October we will begin pre-registration wherein officials of the PSA (Philippine Statistics Authority) will be visiting the targeted poor households and begin collecting the non-biometric information like the name, address and so on,” lahad ni Chua.

Aniya, ang physical IDs ay maaaring mailabas sa Nobyembre o Disyembre ngayong taon.

“The most important is the foundational ID number, the physical ID eventually, I think, will have to evolve. But initially, by law, we will provide the physical ID,” lahad ng opisyal.

Makikita sa national ID ang Philippine Identification System number, full name, facial image, sex, date of birth, blood type, at address.

Iniulat rin ng NEDA na ang target nila na limang milyong Pilipino ay hindi makakamit dahil sa pandemya.

Samantala, naninindigan naman si Chua na nasa 40 milyong Pilipino ang makapagpapatala sa national ID system sa susunod na taon.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.