NEDA Sec Karl Chua, tiwalang mababayaran ng bansa ang mga inutang sa gitna ng COVID-19 pandemic

Tiwala ang pamahalaan na kayang bayaran ng bansa ang mga inutang nito sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Ito ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Karl Chua ay dahil unang-una, maganda ang credit rating ng Pilipinas na nasa BBB+ kahit na mayroong pagbaba sa Gross Domestic Product (GDP) ng bansa sa global health crisis.

Nangangahulugan lamang ito na nasa magandang fiscal position ang Pilipinas.

Naipakita rin naman aniya ng bansa sa international community, na kaya nitong mag-provide ng pondo upang suportahan ang economic recovery ng bansa. Nariyan aniya ang tax reform program, at isa ito sa mga pinaghuhugutan ng kumpiyansa ng pamahalaan, na mababayaran ng bansa ang mga loan nito.

Bukod dito, ang mga inuutang naman aniya ng pamahalaan ay ginagamit sa mga produktibong aktibidad, na ang returns ay nagbibigay sa bansa ng mas malaking interest rate kumpara sa dapat na bayaran ng gobyerno.

Dahil dito, siniguro ni Secretary Chua, na magagawa ng Pilipinas na mabayaran ang mga obligasyon nito at makabangon mula sa kasalukuyang health crisis.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.