NEDA suportado ang pagbuo ng Department of OFW

Suportado ni National Economic and Development Authority (NEDA) acting Secretary Karl Chua ang inihaing proposal sa pagbuo ng departamento para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

“However, I have begun to review this again and personally, there are many trade-offs when we create new departments especially if the mandates are being done by other offices. But given the developments, the COVID, the need to look after millions of OFWs, I am actually more open to it,” pahayag ni Chua.

Humihingi naman ng paliwanag si Senator Joel Villanueva, chairman ng Senate labor committee at isa sa mga vice chairpersons ng finance committee para sa mga polisiya para sa mga OFW.

Sang-ayon din sa naturang panukala si Labor secretary Bello.

“There are already certain factors that are in play, for example, COVID will probably change a lot of priorities,” dagdag ni Chua.

Ayon naman sa ibang senador na ang pagbuo ng hiwalay na departamento para sa OFW ay magdudulot ng pagtaas ng migration sa Pilipinas imbis na hikayatin silang magtrabaho sa bansa.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.