Negosyanteng si Danding Cojuangco, pumanaw na sa edad na 85

Pumanaw na ang negosyanteng si Eduardo “Danding” Cojuangco sa edad na 85.

Si Cojuangco ay chairman at CEO ng San Miguel Corp. at National People’s Coalition party.

Tumakbo rin si Cojuangco sa pagkapresidente noong 1992 ngunit natalo kay Fidel Ramos.

Nakiramay ang mga miyembro ng Nationalist People’s Coalition (NPC) sa pagkamatay ni Eduardo “Danding” Cojuangco Jr. sa edad na 85.

Si Cojuangco ay chairman emeritus ng NPC at nagsilbi ring dating gobernador ng Tarlac.

“My most sincere condolences to the family of Eduardo Cojuangco Jr. His dedication to his loved ones, his work, and his continued support towards nation-building will never be forgotten,” ani Senator Sherwin Gatchalian sa tweet.

Gayundin ay ipinahayag ni dating senador JV Ejercito ang kanyang pagdadalamhati.

“Woke up to a very sad news earlier. My Ninong Danding Cojuangco passed away. He is a very nice person with a kind heart. Super nice to me. He will be missed.”

Maging ang dating miyembro ng Sorsogon Governor Chiz Escudero ay nagpahayag ng pakikiramay.

“My sincerest condolences to the family and loved ones of Boss Danding… My prayers go out to ECJ and to all of you during this time of sorrow,” ani Escudero.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.