Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center, bubuksan ng muli

Papayagan na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na buksan ang Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center, matapos ang pitong buwan na pagkakasara nito dahil sa pandemya.

Sa media advisory, sinabi ng pamunuan ng Wildlife Center, papayagan nila ang mga private at commercial videos at photos lamang.

Kailangan lang magpa-schedule online sa Information Office bago ang petsa ng gagawing videos and photo shoots o kaya naman ay tumawag sa kanilang hotlines na 8924-6031 o kaya ay mag-email sa nawpc@bmb.gov.ph.

Hindi tatanggap ng mga walk-in client ang wildlife center, at kailangan sundin ang mga safety protocol.

Makakatanggap ng approved confirmation ang mga kliyente, at kailangan bayaran ang entrance fee sa Information Office nito.

Ang 23 hectares na Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center ay may 3,000 mga puno, at mahigit 30 na iba’t ibang uri ng mga wildlife animals.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.