No Face Shield, No Entry, ipatutupad sa Camp Crame

Inaasahang ipatutupad na rin sa Camp Crame at sa ibang tanggapan ng Philippine National Police ang “No Face Shield, No Entry”.

Ayon kay PNP Deputy Chief for Administration at Administrative Support To COVID-19 Operations Task Force (ASCOTF) Commander, Lt. Gen. Camilo Pancratius Cascolan, ito ay bahagi ng kanilang pinaigting na pag-iingat upang pigilan ang pagdami ng kaso ng COVID-19 sa police force.

Una naring ginawang mandatory ng Department of Labor and Employment at Department of Transportation ang pagsusuot ng face shield ng mga manggagawa at commuters epektibo ngayong Sabado, bilang pag-iingat sa pagkahawa sa mga pampublikong lugar.

Sinabi naman ni PNP Spokesperson PBgen. Bernard Banac, na ipatutupad ang paggamit ng face shield sa Camp Crame hindi lang sa mga PNP personnel kundi maging sa bibisita sa kampo.

Abiso naman ni Banac sa mga bibisita sa Kampo, na tiyakin na walang karamdaman, magpasailalim sa screening at mag-fill up nang tama sa contact tracing form, upang makaiwas naman sa pagkahawa ang mga pulis na humaharap para sa kanilang pangangailangan.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.