“No face shield, no entry” policy, epektibo na sa MMDA office ngayong araw

Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ipatutupad na simula ngayong araw ang “no face shield and face mask, no entry policy” sa tanggapan.

Ayon sa MMDA, binigyan na ng face shield ang lahat ng empleyado na aabot sa mahigit walong libo.

Bukod sa mahigpit na polisiya sa personnel at mga bisita, tuluy-tuloy din ang regular disinfection sa mga opisina bilang bahagi ng minimum health protocols.

Halos walumpung porsiyento ng mga kawani ng MMDA ay nagtatrabaho sa iba’t ibang panig ng Metro Manila.

Una nang nag-set up ang ahensya ng sariling isolation facility para sa mga empleyadong na-expose sa mga taong tinamaan ng COVID-19.

Para paghandaan ang bakuna laban sa virus ay maglalaan naman ng P20-milyong piso ang MMDA para sa procurement na pakikinabangan ng mga personnel at isang miyembro ng pamilya.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.