No homework Policy aprubado ni DepEd Sec. Briones

Sinusugan ni Department of Education Sec. Leonor Briones ang panukalang batas na nagbabawal na magdala at mag-uwi ng takdang-aralin para sa mga estudyane nitong Martes.


Ayon kay Sec. Briones, nawawalan ng oras, pahinga at bonding ang pamilya at mga kaibigan ng mga estudyante dahil sa mga ipinagagawa at ipinauuwi na mga homeworks na kung magkataon ay mga tutor naman daw ang minsan na gumagawa nito.


“Ang gusto natin, lahat ng pormal na pag-aaral, assignment, project, whatever, gagawin sa loob ng eskuwelahan. Pag-uwi nila, libre na sila, free time nila to be with their parents, friends,” ani Briones sa isang panayam. Pagdating ko, ginawa na namin itong policy… Pero meron pa ring mga schools na nasanay talaga sa pagbibigay ng homework,” dagdag pa niya.


Nitong Lunes, inihain ni Quezon City Rep. Alfred Vargas ang panukalang batas na nagbabawal sa homework tuwing weekend.


Inalmahan naman ito ng grupo ng Teacher’s Dignity Coalition dahil hindi naman nito intensyon na pahirapan ang buhay ng mga estudyante.


“Our teachers are trained educators, we know the value of homework. It’s about discipline, responsibility and continuity of learning,” ani Benjo Basas, National Chairperson ng TDC sa isang pahayag.


Binanggit din ni Briones na naghain na sya ng panukala upang iadjust ang academic calendar ng pasok upang maiwasan ang tag-init at suspensyon ng mga klase.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.