NPA Regional headquarters sa Mindoro, na-take over ng militar

Matagumpay na na-take over ng mga tropang pinamumunuan ni Brig. Gen. Kit Teofilo ang Headquarters ng Southern Tagalog Regional Party Committee ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa Naswak, Monteclaro, San Jose, Occidental Mindoro.

Ang naturang guerilla base ang naging sentro ng shadow government na itinatag ng NPA na sumakop sa mga isolated na barangay sa Occidental Mindoro at Oriental Mindoro, partikular sa mga bayan ng San Jose, Rizal at Bongabong.

Ayon kay Souther Luzon Command (SOLCOM) Commander Lt. Gen. Antonio Parlade, ngayong hawak na ng militar ang sentro ng kapangyarihan ng NPA sa Mindoro, tuloy-tuloy na ang pagbagsak ng NPA sa lugar.

Sisiguruhin aniya ng SOLCOM na hindi na makakapagtayo ng panibagong base ang NPA sa kanilang area of responsibility.

Ayon kay Parlade, ookupahan ng militar ang guerilla base at guerilla zone hanggang sa ma-re-establish ang lehitimong pamamahala na walang pananakot mula sa NPA.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.