NSA Hermogenes Esperon, isinusulong ang pagtatayo ng cell sites sa lahat ng paaralan, munisipyo, at barangay

Dapat tayuan na rin ng cell sites ang lahat ng paaralan, barangay, at munisipyo sa buong bansa.

Ito ang sinabi ni National Security Adviser Hermogenes Esperon matapos na pahintulutan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang pangatlong telco player na DITO Telecommunity na magtayo ng cell sites sa loob ng mga kampo ng militar kung saan meron nang celsites ang Globe at Smart.

Ayon kay Esperon, kailangan ng bansa ng 50,000 towers para sa episyenteng coverage pero 19,000 lang ang nakatayo sa kasalukuyan.

Karamihan pa aniya sa mga ito ay nasa mga urban centers lang, dahil mas kumikita dito ang Globe at Smart, at napabayaan ang mga barangay sa kanayunan.

Kung papayagan aniya ang DITO na magtayo din ng cell sites sa lahat ng paaralan at barangay, parang magkakaroon ng national broadband network na konektado ang Department of Education (DepEd), local government units (LGUs), at kampo ng militar na walang gastos ang pamahalaan.

Pinawi naman ni Esperon ang pangamba sa posibleng pang-eespiya ng China sa pamamagitan ng Huawei communications equipment na gamit ng DITO at sinabing ang Globe at Smart ay gumagamit din nito, maging ang Germany, France, at United Kingdom.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.