NTC at DTI, pinakikilos sa refund ng TV plus box ng ABS-CBN

Kinalampag ng ilang consumer ang Department of Trade and Industry (DTI) at National Telecommunications Commission (NTC), para sa mas mabilis na refund ng mga nabiling TV plus box mula sa ABS-CBN.

Ayon kay Atty. Larry Gadon, dapat umanong kuimilos ang DTI at NTC, upang maibalik sa mga consumer ang perang pinambili ng mga ito.

Noong nakaraang araw, naglabas ng cease and desist order ang NTC laban sa Digital Satellite Broadcast System ng ABS CBN, Channel 43 at SKY Cable.

Sabi ni Gadon, ilegal ang pagbebenta ng TV plus box, kung kayat dapat ibalik ng ABS-CBN sa mga consumer ang perang pinambili nito.

Paliwanag niya, DTI ang may sakop sa kapakanan ng consumers kung kaya ito ang dapat magpursige sa refund ng mga unit ng DSBS, na binili mula sa giant network.

Una ng nagbanta noon si Gadon, na kanyang kakasuhan ang NTC official dahil pinayagan pa rin nitong mag-broadcast ang channel 2 kahit nag-expire na ang prangkisa noong May 4, 2020.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.