NTC, maaari nang tumanggap ng mga application para sa nais kumuha ng dating frequency ng ABS-CBN

Maaari nang simulan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang pagtanggap ng mga aplikante sa mga nais kumuha sa dating frequency ng ABS-CBN Broadcast Corporation.

Ito ang binigyan diin ngayon ni dating Information and Communication Technology Secretary Eliseo Rio matapos bawiin kahapon ng NTC ang assigned frequency ng giant network.

Ang recall ay ginawa ng komisyon matapos mabigo ang ABS-CBN na makakuha ng legislative franchise noong July 10, 2020 at ibinasura ng mga kongresista ang kanilang aplikasyon.

Sinabi ni Rio, ang mga kumpanyang may valid na legislative franchise lamang ang maaaring mag-apply sa NTC.

Ngunit kailangan daw munang magsagawa ng public hearing ang komisyon bago tumanggap ng mga bagong aplikante.

Ngunit maaari naman daw hindi ibigay ng NTC ang dating frequency ng ABS-CBN Broadcast Corporation sa ibang interesadong kumpanya kung gagamitin na ito ng gobyerno para sa paghahatid ng mga impormasyon sa taumbayan.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.