NUJP kay MMDA Spokesperson Pialago: Walang sinuman ang dapat maapi kagaya ni Nasino

Pinalagan ng National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL) ang naging pahayag ni Metro Manila Development Authority (MMDA) spokesperson Celine Pialago patungkol kay Reina Mae Nasino.

“‘Yung mga sumisimpatya kay Reina Mae Nasino, pag-aralan niyo mabuti ang dahilan bakit siya nakulong at kilalanin niyong mabuti kung sino siya sa lipunan. Masyado ninyong ginagawang pang drama serye sa hapon ang paghihinagpis niya. Tigilan niyo!” saad ni Pialago sa isang Facebook post.

Kaagad itong kinondena ni NUJP president Edre Olalia.

“We assure the good Asec (assistant secretary) that we will do the same thing if she was in Ina’s position and circumstance,” ani Olalia.

“To start with, we will never ever wish this horrible tragedy and injustice to visit the Asec, her mother, her daughters, her sisters and her aunts,” dagdag pa nito.

Gumawa rin ng samu’t saring reaksyon mula sa publiko ang naging pahayag ng tagapagsalita ng MMDA.

Isa na rito si Vice President Leni Robredo na aniya ay hindi gwardiyado ang mga opisyal ng gobyerno kagaya ni Nasino.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.