Office of the Vice President nakakuha ng highest audit rating ng COA

Nakatanggap ng pinakamataas na audit rating ang opisina ni Vice President Leni Robredo mula sa Commission on Audit (COA).

Binanggit ng Office of the Vice President ang isang ulat ng COA na nagbigay ng “unqualified opinion” na ikinukunsidera bilang best government agency na makakatanggap mula sa state auditors para sa taong 2019.

“Dapat iyong lahat na government offices, ina-aspire ito para pinagtatrabahuan. Kasi kapag ina-aspire mo na magkaroon ka ng unqualified opinion, sinisiguro mo na iyong lahat na proseso mo malinis, hindi ka nalulusutan, maayos lahat iyong papeles, maayos lahat iyong proseso,” saad ni Robredo.

“Ang gusto nating pasalamatan dito iyong ating mga staff—lalo na iyong admin—na sila talaga nag-aasikaso ng ating mga proseso. Salamat sa lahat na OVP family kasi pinagtulungan natin ito lahat,”

Sa post ng ulat mula sa COA ay nakasaad na, “We believe that the audit evidence we have obtained is sufficient and appropriate to provide a basis for our unqualified opinion.”

May ilan namang obserbasyon at rekomendasyon gaya ng kawalan ng opisyal na resibo at sales invoice of some transactions.

Ayon naman sa ulat, binanggit din sa ulat na kaya hindi ito nailagay ng ilang staff ay dahil sa maraming transaksyon at workloads.

May mga hindi rin nagamit na pondo sa kanilang mga Medical Assistance Programs na dahil naman sa election ban noong nakaraang taon.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.