OIC PNP Chief Gamboa kay VP Robredo, hindi advisable na sumama sa anti-drug ops

Hindi pabor si Philippine National Police (PNP) Officer in Charge, PLt. Gen. Archie Francisco Gamboa, na sumama si Vice President Leni Robredo sa mga anti drug operation.

Sa kanyang regular Monday press conference, sinabi ni Gamboa na magiging delikado ito para sa bise presidente at hindi advisable.

Maski aniya mga heneral, ay hindi sumasama sa mga anti drug operation, pero ito naman aniya ay dahil dumaan na sila dito bilang mga junior officer.

Mas mabuti na lang aniya na mag-concentrate ang VP sa advocacy at rehabilitasyon.

Pero welcome naman aniya ang VP kung gusto niyang pag-aralan ang law enforcement aspect ng drug war, kung saan nakatutok ang PNP.

Gagawin naman aniya ng PNP ang lahat para matulungan ang VP na maunawaan ang law enforcement side ng anti-drug campaign, na maging madali para sa kanya at hindi malalagay sa panganib ang kanyang buhay.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.