Operasyon ng International flights sa NAIA 3 ibabalik na sa Hulyo 8

Naghahanda na ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa pagbabalik ng international flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Hulyo 8.

Ang mga eroplano ng All Nippon Airways (ANA), AirAsia Berhad (AK), Cathay Pacific (CX), Emirates (EK), KLM Royal Dutch Airlines (KLM), Qatar Airways (QR), Singapore Airlines (SQ) at Turkish Airlines (TK) ay darating at aalis mula Terminal 3 simula sa nasabing petsa.

Suspendido pa rin ang biyahe ng Cebu Pacific, Delta Air, Qantas Airways, at United Airlines.

Ang mga paparating na international flight ng Philippine Airlines ay nakatalaga sa NAIA Terminal 2, habang ang NAIA Terminal 1 ang para sa kanilang international departures.

Ang iba pang airlines na nakatoka sa NAIA Terminal 1 ay ang Air China (CA), Air Niugini (PX), Asiana Airlines (OZ), China Airlines (CI), China Eastern (MU), China Southern (CZ), Etihad Airways (EY), Eva Air (BR), Ethiopian Airlines (ET), Gulf Air (GF), Hong Kong Airlines, Japan Airlines (JL), Jeju Air (7C), Jetstar Asia (3K, )Jetstar Japan (GK), Korean Airlines (KE), Kuwait Airways (KU), Malaysian Airlines (MH), Oman Air (WY), Royal Brunei Airlines (BI), Saudia Airlines (SV), Scoot (TR), Thai Airways (TG) at Xiamen Air.

Mananatiling sarado ang NAIA Terminal 4 “until further notice”.

Ang domestic operations ng Cebu Pacific (5J), Cebgo (DG), Philippines Air Asia (Z2) at Air Swift (T6) ay mananatili sa NAIA Terminal 3, habang ang Philippine Airlines (PR) at PAL Express (2P) ay magpapatuloy ang operasyon sa NAIA Terminal 2.

Pinapayuhan ng Department of Transportation and Communication ang publiko na laging tingnan ang websites ng mga airline para sa mga paalala at impormasyon.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.