Operasyon ng MRT-3, sususpendihin muna ng apat na weekends mula July-September

Pansamantala munang sususpindihin ng Metro Rail Transit 3 (MRT-3) ang kanilang operasyon ng apat na weekends, upang pabilisin ang rail replacement works at ganap na matapos sa buwan ng September.

Pasisimulan ang tigil operasyon ng tren sa July 4 at 5, August 8 at 9, 21 at 23, at September 12 at 13.

Gagawin ang rail replacement works tuwing weekend, kabilang ang turnout works sa parehong southbound at northbound tracks, sa North Avenue at Taft Avenue stations.

Sasamantalahin na rin ng service provider na Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries ang weekend suspensio, para gawin ang rail destressing, rerailing, turnouts replacement, resurfacing, rail profile grinding, ballasting at tamping, at iba pang major works sa MRT-3 trains, electrical systems at iba pang subsystems.

Pagkatapos ng rail replacement works, asahan nang dahan-dahang mapapabilis ang takbo ng tren, mula sa 40kph hanggang 60kph sa buwan ng December 2020, at bababa ang headway o interval sa pagitan ng bawat tren sa 3.5 minutes.

Sa panahong ito, ipapatupad ng MRT-3, Department of Transportation (DOTr) Road Sector at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang bus augmentation program para sa mga maaapektuhang commuters.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.