Oposisyon sa Senado, nagdiwang sa desisyon ng PET kay VP Robredo vs. Marcos

Mistulang nagdiwang ang minority bloc sa Senado sa pangunguna ni Senate Minority Leader Franklin Drilon sa pagbasura ng Presidential Electoral Tribunal (PET) sa petisyon ni dating Senador Ferdinand Marcos Jr., laban kay Vice President Leni Robredo.

Sa magkahiwalay na pahayag, ikinalugod din ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan ang desisyon ng Supreme Court, tumatayong PET laban sa petisyon ni Marcos na ipawalang-bisa ang pagkakahalal ni Robredo.

“I welcome the decision of the Supreme Court sitting as the Presidential Electoral Tribunal. I, together with the more than 14 million Filipinos who voted for Vice President Leni Robredo in 2016, are pleased with the favorable decision of the PET,” ayon kay Drilon.

Aniya, dapat nang ipahinga ang isyu sa naging desisyon ng PET kaya kanyang hinikayat ang lahat ng partido na igalang ang desisyon.

“Let us begin the healing process now and focus on what is before us – Covid-19 pandemic,” ayon kay Drilon.

Inihayag naman ni Pangilinan na malugod nitong tinatanggap ang desisyon ng Supreme Court .

“Nais sana natin na dati pa itong napagpasiyahan dahil patunay ito sa ating sinasabi simula’t sapul na ang mga paratang ng pandaraya sa eleksyon ay walang basehan,” giit ng senador.

Samantala, nilinaw naman ng kampo ni Marcos na tangig sa manual recount at judicial revision ang pinagdesisyunan ng PET, hindi ang ikatlong petisyon ni Marcos hinggil sa pagbasura ng boto sa Mindanao.

“Based on the official pronouncement made by the Presidential Electoral Tribunal today, the court unanimously voted to dismiss our second cause of action which is the manual recount and judicial revision,” giit ni Atty. Vic Rodriguez, abogado ni Marcos.

“However, as to the issue on how to proceed with our third cause of action which is the annulment of votes in Mindanao, the Tribunal has yet to decide on the matter,” aniya.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.