OVP, magbibigay ng mga pagsasanay sa mga walang trabaho at mga kabataang hindi nag-aaral

Nakipagtulungan ang Office of the Vice President (OVP) sa United States Agency for International Development (USAID) at sa Philippine Business for Education upang makapagbigay ng pagsasanay sa mga walang trabaho at kabataang hindi nag-aaral.

“We are grateful for this partnership with USAID and PBEd, which will allow us to open more doors for young people, who may need to support themselves and their families, especially during the COVID-19 crisis,” ani Vice President Leni Robredo sa isang pahayag.

Naglunsad ang OVP ng P17 milyong partnership ng technical-vocational skills at employability training para sa 1,000 indibidwal na walang trabaho at mga kabataang hindi nag-aaral.

“This collaboration is yet another proof that the spirit of Bayanihan continues to inspire our commitment to uplift the lives of those who are in need,” saad ng bise.

Ito ay sa ilalim ng programang BAYANIHANAPBUHAY na magbibigay sa may edad 18-30 indibdiwal na kwalipikado sa tech-voc training program YouthWorks PH.

Ang YouthWorks PH ay nakipagtulungan din sa mga pribadong sektor mula sa food and beverage service, construction, manufacturing, at IT na nagbibigay ng karagdagang suporta.

Kasama rito ang training allowance at oportunidad na magkaroon ng trabaho pagkatapos ng pagsasanay.

Mula naman sa OVP, tatanggap ang mga magsasanay ng arawang allowance, welcome kit, hands-on materials, mobile and internet allowance, pati na ang oportunidad na magkaroon ng trabaho pagkatapos ng pagsasanay.

“USAID remains committed to work with our partners in government and the private sector to ensure that economic growth remains inclusive and sustainable for all,” lahad ni USAID Philippines Mission Director Lawrence Hardy II.

“We are still in the middle of the COVID-19 pandemic, and the OVP’s commitment to support our FTW trainees is a massive boost towards empowering young Pinoys who are disproportionately affected by this crisis,” ayon naman kay PBEd chairperson Ramon del Rosario.

Kasama rin sa probisyon nito ang learning devices, online mentoring, online at blended tech-voc training, in-company training, at TESDA national certification.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.