P1.358B 2021 budget ng OVP, lusot na sa plenary debates ng Kamara

Mabilis na tinapos ng mga kongresista ang deliberasyon sa 2021 proposed budget ng Office of the Vice President (OVP) sa plenaryo.

Nagkakaisa ang mga kongresista na itaas sa P1.358 billion ang pondo ng OVP para sa 2021.

Unang nagmosyon si Camarines Sur Representative Gabriel Bordado Jr., na dagdagan ang pondo ng OVP upang maisakatuparan ang mga programa ng tanggapan ngayong may pandemya.

Sinuportahan din ni ACT-Teachers Partylist Rep. France Castro, na i-restore ang original budget proposal ng OVP para sa educational hubs na proyekto ng opisina, na malaking tulong sa distance learning para sa mga guro at mag-aaral.

Ngayong 2020, ay aabot lang sa P679 million ang pondo ng OVP at irerekomenda sa kanilang amendments na taasan ang pondo nito sa susunod na taon.

Una nang tinapos ng Kamara sa pagbubukas ng special session ang budget deliberation para sa Commission on Audit, Civil Service Commission, at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Kung matatandaan ibinalik ng Kamara sa period of debates and interpellation ang 2021 General Appropriations Bill, matapos itong mabilisang inaprubahan sa second reading noong nakaraang linggo.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.