P1.38 bilyong halaga ng kagamitang militar, tinanggap ng Pilipinas mula sa US

Tumanggap ang Pilipinas ng 1.38 bilyong pisong halaga ng mga gamit-militar mula sa Estados Unidos bilang tulong sa pagpapalakas ng border security.

Ang mga gamit na kinabibilangan ng sniper gear at anti-improvised explosive device (IED) equipment ay tinanggap ni Defense Secretary Delfin Lorenzana at Department of Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin mula kay Acting US Secretary of Defense Christopher Miller, na nasa bumibisita sa bansa.

Sinabi ni Miller kay Lorenzana na Bukod sa mga naturang gamit, isang US C-130 transport plane ang ide-deliver sa Armed Forces of the Philippines sa Disyembre 17.

Nagkasundo ang dalawang kalihim na lalo pang palakasin ang ugnayang militar ng dalawang bansa.

Nagpasalamat naman si Lorenzana kay Miller sa tulong ng Estados Unidos sa pagbabantay ng borders ng Pilipinas sa mga “external threats”.

Una rito tumanggap ang Pilipinas sa Estados Unidos ng 1.1 bilyong pisong ($23.4 million) halaga ng tulong para sa COVID-19 response, disaster relief, counter-terrorism, at maritime surveillance; at donasyong P868 million ($18 million) halaga ng supplementary military equipment at training para sa AFP.

Ang Pilipinas ang may pinakamalaking natanggap na military assistance sa Estados Unidos sa Indo-Pacific Region.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.