P100Bilyon para sa 2nd tranche ng SAP, ipmamahagi sa pamamagitan ng ‘e-transfer’

Ang pinakamalaking bulto ng PHP100-billion budget para sa second tranche ng emergency subsidies sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) ng national government ay ipamamahagi “electronically” sa mahihirap na pamilya. Ito ang inihayag ng Malacañang ngayong araw na ito, Mayo 27.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nais ng pamahalaan na ibigay ang second wave ng payouts sa SAP beneficiaries sa pamamagitan ng electronic cash transfers para matiyak ang mabilis na pamamahagi ng cash aid sa harap ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic.

“Not a whole [of PHP100 billion] will be downloaded to the government anymore because we’re hoping that bulk of it will be transferred electronically to the beneficiaries,” ani Roque sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News Channel.

Noong Mayo 14, inilunsad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang web application na “ReliefAgad” para mapabilis ang pamamahagi ng emergency subsidies sa low-income Filipino households na apektado ng health crisis.

Ang ReliefAgad ay isang “quick-relief system” na magpapabilis para agad na makuha ng DSWD ang mga detalye ng SAP beneficiaries at maipamahagi ang cash aid sa pamamagitan ng electronic payment gamit ang kanilang smartphone.

Sinabi ni Roque na maiiwasan na ngayon ang mga masasalimuot na problema dahil ang SAP recipient ay hindi na kailangang kunin ang ayuda sa kanilang local government units (LGUs).

“We’re going to amend the way the second tranche of SAP will be distributed. We’re primarily availing now of electronic means so most of the beneficiaries will be receiving through electronic means, no longer through local government units,” ayon sa kalihim. “Given the mode of distribution now chosen by the DSWD, I think it will be a lot faster compared to the first one.”

Maraming SAP beneficiaries ang nagreklamo dahil sa diumano ay mga iregularidad sa ginawang pamamahagi ng LGUs’ ng 1st tranche ng emergency subsidies.

Para mapigilan na ang umano’y katiwalian ng local officials pagdating sa SAP, sinabi ni Roque na tutulong ang militar sa pamamahagi ng cash aid sa mga mahihirap na pamilyang ayaw ng automated disbursement ng kanilang ayuda.

Paliwanag ng kalihim, “And the rest who opt to receive them in cash, that’s where we will physically distribute them anew with the assistance of the armed forces, but still with the coordination of the local government units.”

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.