P10B pambili ng COVID-19 vaccine, P5k-P8K ayuda sa mahihirap, Aprubado na sa bicam

Inaprubahan ng bicameral conference committee ng dalawang Kapulungan ng Kongreso ang standby funds na nagkakahalagang P10 bilyon bilang pambili ng vaccines sa corona virus 2019 (COVID-19).

Sa pahayag ng tanggapan ni Senador Edgardo “Sonny” Angara, aprubado din sa bicam ang panukalang magbigay ng P5,000 hanggang P8,000 emergency subsidy sa apektadong low-income households sa lugar na nakailalim sa ECQ/Hard Lockdown) at pamilya ng kababalik ng overseas Filipino workers (OFWs).

Aabot sa P6 bilyon ang social amelioration program at subsidy sa bumalik na OFWs.

“Halo-halo. Assistance to Individuals in Crisis Situation, sustainable livelihood program for informal sectors not catered by DOLE, distribution of food and non-food items. livelihood assistance grants, supplemental feeding program for daycare children,” ayon kay Marvin Sy, staff ni Angara na nakatutok sa bicam.

Ayon pa sa tanggapan ni Angara, naglaan din ng P4.5 bilyon sa pagtatayo ng isolation at quarantine facilities, field hospital at dormitory para sa medical frontliners.

Inilaan din ang halagang P5 bilyon bilang pambayad ng contact tracer na pamamahalaan ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Nagdagdag din ng P8.9 bilyon para sa sektor ng edukasyon tulad ng cash emergency subsidy sa guro ng pribadong sektor, at allowance sa mga mag-aaral.

Umabot naman sa P3 bilyon ang inilaan bilang pambili ng personal protection equipment tulad ng face mask, face shield PPE suit para medical frontliners. Bibigyan din ng libreng face mask at face shield ang mahihirap na pamilya.

Magbibigay din ang Department of Labor and Employment (DOLE) cash aid sa manggagawang nawalan ng trabaho sanhi ng lockdown.

Inilaan naman ang halagang P9.5 bilyon para sa transportasyon kabilang ang cash aid sa mga PUJ drivers.

“Yung sa number 1, inaayos pa ngayon kung ECQ or hard lockdown. may difference yata kasi yun e. pero ang idea is 5k to 8k,” ayon kay Marvin Sy, staff ni Angara na tumututok sa pangyayari sa bicam.

Aniya, naglaan din ang halagang P4 bilyon at P6 bilyon para sa capital infusion ng DTI-SBCorp at P100M para sa training at subsidy ng tourist guides

Ibinasura naman ang panukalang huwag nang pagbayarin ang utang ng magsasakang benepisaryo ng repormang agraryo.

“Meron provision na advanced access to credit facilities to agrarian reform beneficiaries,” ani Sy. Ernie Reyes

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.