P30B inilaan sa employment programs ng gobyerno

Maglalaan ang pamahalaan ng P30 bilyon para sa ayuda, emergency employment at business loans para sa mga manggagawa at maliliit na negosyante na apektado ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 sa national budget sa susunod na taon.

Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte na ang inihaing 2021 national budget ay inilaan ang nasabing pondo kung saan kinabibilangan ito ng P27.5 bilyon ara sa Department of Labor and Employment’s livelihood and employment programs at P2.3 billion para sa Department of Trade and Industry’s micro small and medium enterprises (MSMEs) development program.

Habang ang P1.5 billion naman ay para sa “war chest” na palalawigin ang financial aid sa mga maliliit na negosyo at ang P6.2 billion para sa mga welfare service sa mga overseas Filipino workers (OFW).

“The 2021 proposed budget contains provisions for improving systems for social protection programs and income support systems not only through cash transfers,” the President said in his recent budget message to Congress. “It will also fund programs intended for cash for work, unemployment insurance, emergency employment, and wage subsidies using digitization,” saad ng Pangulo

Sa ilalim ng 2021 budget proposal, sinabi ni Pangulong Duterte na ang P11.1 biyon mula sa inilaang P27.5 bilyon sa DOLE ay gagamitin para suportahan ang Livelihood and Emergency Employment Program.

Aniya, nasa 2.1 milyong benipisyaryo ay maaaring saklawin ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program at Government Internship Program na nagkakahalaga ng P9.9 bilyon.

Aabot naman sa P810 milyon ang mapupunta sa DOLE para sa Integrated Livelihood Program nito na layong tulungan ang nasa 23,007 beneficiaries.

Inihain din ng pamahalaan ang P392 milyon para sa Adjustment Measures Program (AMP) “to mitigate the adverse impacts of the economic crisis, natural and man-made calamities and pandemics such as the COVID-19,” ayon pa kay Pangulong Duterte.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.