P335-B stimulus package para sa pagtugon sa COVID pandemic, isinusulong ni Sen. Pacquiao

Naghain si Senator Manny Pacquiao ng isang panukalang batas, na layong makapaglaan ng P335 billion stimulus package para sa pagpapasigla ng ekonomiya ng bansa.

Sa inihaing Senate Bill 2123 o ang panukalang Expanded Stimulus Package Act of 2021 ni Pacquiao, nais ng senator na madagdagan ang COVID-19 response fund ng bansa, maliban pa sa nakasaad na pondo sa ilalim ng Bayanihan to Recover As One Act (Bayanihan 2), at sa COVID-19 Vaccination Program Act of 2021 (Republic Act 11525).

Nakasaad sa panukala, na nakapaloob sa hinihiling na P335 billion na stimulus package ang: P100 billion para sa ayuda sa mga low-income o mahihirap na indibidwal o pamilya; P100 billion sa subsidiya para sa mga manggagawa; P100 billion para sa pagtulong sa mga sektor na pinadapa ng pandemya; P30 billion para sa pagtulong sa mga manggagawang nawalan ng trabaho; P3 billion para sa internet allowance ng Department of Education (DepEd) teachers at mga estudyante; at P2 billion para sa internet allowance ng mga tertiary level teachers at mga mag-aaral.

Naniniwala ang senator, na sa tulong ng panukalang ito ay mapupunan ang mga kulang sa kasalukuyang mga batas para matugunan ang epekto ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.