P4-M, ipinamahagi ng pamahalaan sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses sa Marikina City

Umabot sa P4-M ang iniabot na tulong ng pamahalaan sa mga residenteng naapektuhan ng bagyo sa lungsod ng Marikina.

Sa pangunguna ni Senator Bong Go katuwang ang Department of Social Welfare and development o DSWD sa ilalim ng programang  Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) kung saan umabot sa P4 milyon ang inilaang pondo ng pamahalaan dito para sa mga nabiktima ng kalamidad.

Nasa 1,300 na pamilya ang nakatanggap ng P3,000 na financial aid kasama na rito ang family food packs.

Bukod sa nabanggit na mga ayuda, kasama rin sa  nagbahagi ng ayuda ang mga kinatawan ng Department of Agriculture, Department of Trade and Industry, National Housing Authority.

Ayon sa datos ng DSWD, isa ang lungsod ng Marikina sa balitaan ng malubhang epekto ng nagdaang bagyo dahil sa pagkakalubog ng karamihan sa mga kabahayan dito sa tubig-baha na siyang nag-iwan ng malaking pinsala sa lokal na ekonomiya at kabuhayan ng mga residente sa lugar.

Samantala, bagama’t aminado si Senator Bong Go na hindi na kakayanin ng pamahalaan na galawin pa ang pondo sa ilalim ng Bayanihan 2 dahil halos nagamit na ang pondo dito at nakalaan na rin aniya ito sa mga pangunahing ahensiya na tumututok sa kaligtasan ng mamamayan laban sa pandemiya, pinangako nito ang pagsusulong ng panibagong pagpopondo o alokasyon sa Bayanihan to Recover as One Act.

Suportado naman ito ng mismong lungsod ng marikina, na lubhang naapektuhan ng pagdaan ng Bagyong Ulysses batay sa tala ng DSWD.

Samantala, taliwas naman ito sa plano ng Mababang Kapulungan ng Kongreso kung saan itinutulak naman dito ang  panukalang ekstensiyon sa validity ng Bayanihan to Recover As One Act 2 na inaasahang mapapaso ngayong darating na buwan ng Disyembre.

Sa isang pahayag, sinabi ni Majority Leader Martin Romualdez na doble kayod ngayon ang Kamara para mapabilis ang approval ng mga panukalang magpapalawig sa P140 bilyon COVID-19 response ng pamahalaan kahit tapos na ang taong 2020.

“We are also considering filing and expediting the approval of a bill that would extend the validity of the Bayanihan 2 (Act) to enable the national government to complete the release of our P140-billion response to the coronavirus pandemic even after the end of year 2020,” pahayag ni Romualdez.

Sa panig ng DSWD, nagpaalala ito sa mga pamilyang nasa evacuation centers na tiyaking nasa listahan ang kanilang mga pangalan sa opisina ng City Department of Social Welfare and Development Office para mapasama ito sa assessment ng national DSWD.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.