Paano ang 7-year old kumita ng $22M? naglalaro lamang ng mga laruan

Courtesy of Ryan ToysReview

Courtesy of Ryan ToysReview

Kumita na ng $22-M o mahigit P1.1 bilyon sa loob lang ng isang taon ang isang 7-anyos na batang lalaki dahil sa kanyang toy reviews at unboxing videos.

Batay sa pagtataya ng Forbes magazine, nalagpasan na ni Ryan ng Ryan ToysReview, si Jake Paul ng $500,000 sa loob lang ng isang taon.

Nadoble na rin umano ang kinita ni Ryan kumpara noong nakaraang taon.

Nang tanungin si Ryan ng NBC kung bakit gustong-gusto ng mga bata na panoorin ang videos niya, sinabi nitong: “Because I’m entertaining and I’m funny.”

Ang mga magulang umano ni Ryan ang nag-set up ng naturang videos noong March 2015.

Mayroon na itong 26 billion views at 17.3 million followers.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.