PACC chair Dante Jimenez pumanaw na, Malacañang nakikiramay

Nagpaabot ng pakikiramay ang Malakanyang sa pamilya, mahal sa buhay at mga kasamahan sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) sa pagpanaw ni PACC chair Dante Jimenez dahil sa aortic aneurysm, kagabi, Enero 29, 2021.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, inilaan ni PACC Chair Jimenez ang kanyang produktibong buhay sa pagtataguyod ng makatuwiran at mapayapang lipunan para sa mga filipino sa pamamagitan ng paglaban sa kriminalidad at korapsyon.

Naniniwala si Jimenez at ibinahagi nito ang centerpiece program ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, kampanya laban sa ilegal na droga, krimen at korapsyon at nagsilbi sa Duterte Administration bilang Chairman PACC at Co-Chair of the Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

“He would be dearly missed. May the perpetual light shine upon him, and may the soul of Mr. Jimenez rest in eternal peace,” ayon kay Sec. Roque.

Nauna rito, napaulat na pumanaw na si PACC Chair Dante jimenez sa Chinese General Hospital, alas-9:43 kagabi, dahil sa aortic aneurysm.

Ito mismo ang kinumpirma ni Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) President Arsenio “Boy” Evangelista.

Dahil dito, umapela naman ng panalangin si Evangelista at hinikayat din nito ang publiko na irespeto ang privacy ng pamilya nito.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.