PACC Comm Belgica, Mga Kongresistang sangkot sa korapsyon sa DPWH “hindi pangangalanan”

Tiniyak ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) commissioner Greco Belgica na hindi nila papangalanan ang mga mambabatas na masasangkot sa korapsyon sa umuugong na imbestigasyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ito ay makaraang hamunin siya ni Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor na ilantad ang mga taong nasa likod ng anomalya.

“I don’t want to do blind items or make a bulletin board or noise board of our investigation dahil kung sasabihin ko kung sino ang iimbestigahan bago ang inquiry or sino ang suspects, para ko pong sinabi doon sa huhulihin na huhulihin siya and that will compromise the investigation,” ani Belgica.

“Ang PACC is limited to presidential appointees it needs a different body like the NBI or Ombudsman to conduct the investigation.”

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.