PACC, ilalabas na sa Oktubre ang resulta ng imbestigasyon sa anomalya sa Yolanda rehab project

Target na mailabas ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) sa Oktubre ang resulta ng kanilang imbestigasyon tungkol sa mga naganap na korapsyon sa mga proyekto para sa post yolanda rehabilitation.

Ayon kay PACC Commissioner Manuelito Luna, tinitiyak niya na may mananagot sa napakabagal na pagtapos ng mga proyekto para sa Yolanda rehabilitation na inabot na umano ng anim na taon.

Sakop ng kanilanng imbestigasyon ang mga local chief executive hanggang sa mga opisyal ng barangay.

Nagpahayag ng pagkadismaya si Luna dahil anim na taon nang nakalipas mula ng manalasa ang supertyphoon Yolanda, ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring natatapos na proyekto, partikular na ang mga pabahay para sa mga survivor na nawalan ng tirahan.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.