Pacquiao, nanawagan sa Senado na imbestigahan ang umano’y nawawalang pandemic funds

Nagpasa si Senator Manny Pacquiao ng resolusyon na naglalayong imbestigahan ng Senado ang umano’y nawawalang 10.4 bilyong pisong halaga ng pondo sa Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan.

Sa panukalang Senate Resolution no.779, sinabi ni Pacquiao na kailangang agarang tignan ang anomalya at maresolba korapsiyon na kinasasangkutan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at e-wallet application na Starpay.

Sinabi ng mambabatas na ang Starpay ang inatasan na ipamahagi ang cash payouts sa 1.8 milyong benepisyaryo na nagkakahalaga ng 14 bilyong piso ngunit nasa 500,000 na benepisyaryo lamang ang nakapag-download ng app.

Ani Pacquiao na sa ilalim ng disbursement scheme, matatanggap lamang ng mga benepisyaryo ang tulong pinansyal nito sa pamamagitan ng pag-download ng Starpay.

Paliwanag ni Pacquiao, ibig sabihin ay nasa 1.3 milyong benepisyaryo ang hindi nakapag-download ng nasabing e-wallet application at hindi rin natanggap ng mga ito ang ayudang nagkakahalaga ng 10.4 bilyong piso.

Matatandaan na naunang ibinigay ang akusasyong ito nitong buwan ngunit agad naming pinasungalingan ng DSWD.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.