Pacquiao welcome sa NPC kung tatakbong senador – Sotto

Tatanggapin ng Nationalist People’s Coalition (NPC) si Senador Manny Pacquiao kung tatakbo siya bilang senador sa halip na umalarga bilang pangulo sa 2022 national elections, ayon kay Senate President Vicente Sotto III.

Sa virtual press briefing, sinabi ni Sotto, chairman ng NPC, na ganito ang kanyang pakikipag-alyansa kay Pacquiao, presidente ng Partido Demokratiko Pilipino-Laban ng Bayan sa tanong ng media.

Naunang sinibak ng grupo ni Energy Secretary Alfonso Cusi si Pacquiao nitong Hulyo 17 sa ginanap na national assembly na dinaluhan ni Pangulong Duterte.

“Right now, Senator Pacquiao is actually a member of the ‘macho’ bloc [in the said on Senate],” ayon kay Sotto nitong Huwebes sa virtual briefing.

Nasa America ang boxing icon na nagsasanay hinggil sa kanyang laban kay American boxer Errol Spence.

“When he was abroad and I was in Paoay [in Ilocos Norte] he gave me a call, magkaibigan kami (we’re friends),” giit ni Sotto.

“If he runs sa pagkapresidente, ‘di kami magkakabangga. If he runs for reelection we will be happy to welcome him in our senatorial slate,” dagdag ng lider ng senado.

“It’s up to him. Malayo pa ang October (is still too far). A lot of things can happen,” aniya.

Nakatakdang maghain ng certificate of candidacy ang lahat ng kandidato sa Oktubre, ang deadline na itinalaga ng Comelec.

Samantala, hindi naman nag-aalala si Sotto kapag pumalaot si Duterte bilang bise presidente sa 2022 elections.

“I have this thinking that I have a program. I know what I can do. I will offer that to the people. It doesn’t matter who are the others,” aniya.

“Kung may programa ka if you are ready to face the public ‘wag mo na isipin sino kalaban. ‘Pag ginawa mo ‘yun wala kang tiwala sa sarili mo,” giit ng senador.

Sinabi pa ni Sotto na dalawa na lamang ang nalalabing slot sa senatorial lineup ng NPC sa susunod na halalan.

Nasa linya ng NPC sina Senador Sherwin Gatchalian, Richard “Dick” Gordon, Emmanuel “Joel” Villanueva, at Juan Miguel “Migz” Zubiri; comebacking former senators Joseph Victor “JV” Ejercito, Francis “Chiz” Escudero, Gregorio “Gringo” Honasan 2nd at Lorna Regina “Loren” Legarda; dating poll commissioner Gregorio “Goyo” Larrazabal; at Rep. Lucy Torres-Gomez.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.