Pag-asa Island sa West PH Sea, magkakaroon ng sariling istasyon ng radyo

Magtatayo ng istasyon ng radyo sa Pag-asa Island sa West Philippine Sea.

Ito ang inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, matapos pasinayaan ang bagong-gawang beaching ramp, na magpapahintulot ng pagdala ng heavy equipment at materyales para ma-develop ang isla.

Sinabi ni Lorenzana, na kabilang sa mga pasilidad na balak na itayo sa isla ay isang istasyon ng radyo.

Ayon kay Lorenzana, makakatulong ang istasyon ng radyo sa pag-broadcast ng ulat sa panahon sa mga mangingisda sa karagatan, at iba pang impormasyon na makakatulong sa lokal na komunidad.

Dagdag ni Lorenzana, na magkakaroon din ng sariling cell site ang Pag-asa, matapos na makasagap siya ng signal sa cellphone mula sa Vietnamese telecoms company habang nasa isla.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.