Pag-iimbestiga ng mga dayuhan sa drug war, tinutulan ng PNP

Nagpahayag ng pagtutol ang Philippine National Police (PNP) na imbestigahan ng UNHRC o United Nations Human Rights Commission ang anti-drug campaign ng pamahalaan.

Ang hakbang ay isinusulong ng 28 mga bansa sa pangunguna ng Iceland, na nagpahayag ng pagkabahala sa bilang ng mga napatay sa naturang kampanya.

Ayon kay Police Col. Bernard Banac, PNP spokesperson, “unnecessary” o hindi na kailangan pa ng ibang bansa para imbestigahan ang local crime incidents sa Pilipinas.

Pagtitiyak niya, gumagana ang criminal justice system at ano mang kwestyon sa ligalidad ng operasyon ay nasasagot naman sa pormal na proseso.

Gayunman, sinabi ni Banac na ang mga bagay na may kinalaman sa relasyon ng Pilipinas sa mga dayuhang bansa ay para sa executive department at susunod lang sila kung ano ang ipag-uutos ng Pangulo. 

Facebook Comments

1 thought on “Pag-iimbestiga ng mga dayuhan sa drug war, tinutulan ng PNP

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.