Pag-imprenta sa pasaporte ng mapa ng Pilipinas kasama ang EEZ at Sabah, aprubado sa komite sa Kamara

Inaprubahan ng House Committee on Foreign Affairs ang substitute bill para sa printing ng mapa ng bansa sa Philippine passports, kung saan kasama na rin ang 200-mile exclusive economic zone at Sabah, sa Philippine passports.

Sa isang statement, sinabi ni Cagayan de Oro Representative Rufus Rodriguez na sa pamamagitan nito ay maigigiit ang panalo ng bansa sa West Philippine Sea kontra China sa Permanent Court of Arbitration sa Hague, Netherlands, gayundin ang legal at historic rights sa Sabah.

Kasama rin sa isinusulong na amyenda sa Passport Law na inaprubahan ay ang panukalang magbibigay ng 32 percent discount sa mga senior citizens sa lahat ng passport issuance at renewal fees, gayundin ang online application ng mga senior citizens para sa passport issuance at renewal.

Bukod dito, nilalayon rin ng panukala na limitahan ang mga requirements para sa aplikasyon at pag-iisyu ng pasaporte at iba pang dokumento sa paglalakbay bilang pagsunod sa pandaigdigang pamantayan at kahalintulad na mga lokal na batas.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.