Pagbabakuna kontra COVID-19 sa seniors, persons with co-morbidities sisimulan sa Abril 1

Sisimulan na sa Abril 1 ang pagbabakuna kontra coronavirus disease (COVID-19) sa mga senior citizen at persons with comorbidities.

“We had a recommendation to the NITAG [National immunization Technical Advisory Group] and we discussed it with President [Duterte] that we should have a simultaneous vaccination of A1 to A3 priorities. If we do a sequencing of vaccination, the process will be slow,” saad ni Secretary Carlito Galvez Jr., vaccine czar at chief implementer of the National Task Force (NTF) Against COVID-19 sa isang virtual press briefing.

Aniya pumayag na ang NITAG, Inter-Agency Task Force (IATF), at pribadong sektor na isabay ang mga senior at persons with comorbidities sa mga health worker upang mapabilis ang pagbabakuna sa bansa.

“Sila po ang karamihang namamatay [from COVID-19] kasi they have the burden of disease and burden of death. It’s a mutual ano kasi once na mabakunahan sila, bababa ang critical utilization rate sa mga hospitals at mae-ease ang ano ng mga health workers,” paliwag ng vaccine czar.

Samantala, mayroon nang 2,525,600 dose ng bakuna ang bansa.

Sa kabuuan, 3.4 milyong dose ang kailangan upang mabakunahan lahat ng health workers habang 9.4 milyong sa mga senior at 14 milyon sa persons with co-morbidities.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.