Pagbabalik sa ere ng ABS-CBN sa pamamagitan ng ZOE TV, ipinasisilip

Hinimok ni Minority Leader at ABANG LINGKOD Partylist Rep. Joseph Stephen Paduano ang National Telecommunication Commission (NTC) na silipin kung wala bang nalabag na batas ang pagbabalik ng ABS-CBN sa ere sa pamamagitan ng ZOE TV.

Ayon kay Paduano, nasa kamay na ng NTC ang pag-iimbestiga sa paggamit ng ABS-CBN sa Zoe TV ng Jesus Is Lord (JIL) lalo na’t nakasaad sa prangkisa nito na hindi puwedeng ipagamit sa ibang korporasyon ang kanilang kumpanya.

Pinasisilip din nito sa Bureau of Internal Revenue o BIR kung ang pag-ere ng ABS-CBN program sa ZOE TV ay maaaring patawan ng buwis dahil ang naturang istasyon ay rehistrado bilang non-commercial at religious TV. 

Nagbalik sa ere ang ilang programa ng ABS-CBN bilang block timer sa ZOE TV ng JIL na pinamumunuan ni Deputy Speaker Bro. Eddie Villanueva, matapos na hindi ma-renew ang prangkisa ng Lopez-owned tv network.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.