Pagbabawal sa substitution ng mga kandidato, itinutulak sa Kamara

Itinutulak ni Deputy Speaker Rufus Rodriguez na tuluyang ipagbawal ang substitution ng mga kandidato bago maging pinal ang listahan para sa mga tatakbo sa halalan sa iba’t ibang posisyon.

Diin ng kinatawan, ang naturang reporma ay upang matigil na ang manipulasyon at “mockery” sa election process ng bansa.

Aniya, mula ng masimulan ang practice ng candidate switching ay marami na sa mga Pilipino ang hindi na naniniwala sa pagiging seryoso ng mga aspirant sa mas mataas na posisyon.

Ikinadismaya rin ng Cagayan de Oro solon na ngayong May 2022 elections, may ilang mga kandidato sa pagka-Pangulo ang lumalabas na proxy lamang ng ilang personalidad.

Sa panukalang isusulong ni Rodriguez, ipagbabawal ang “candidate substitution” maliban na lang kung ang candidate-nominee ng isang political party ay nasawi o na-disqualified bago ang mismong election day.

Pinababalik rin ng kongresista ang lumang kautusan, kung saan oobligahin na ang mga incumbent official na magbitiw sa kasalukuyang inuupuang pwesto o ikonsiderang automatically resigned oras na maghain ng kandidatura sa isang elective post.

Ito ay upang maiiwasan ang substitution, dahil wala nang babalikang pwesto ang isang kandidatong papalitan sa halalan.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.